Home » Features

NAT, ano at sino ka ba? Tula mula sa ACT Ozamis (Mam Maria Vienna Allanic Suizo)

9 March 2012 No Comment

 

 

Tula mula sa ACT Ozamis

(Mam Maria Vienna Allanic Suizo)

Bakit taun-taon ay kontrobersyal ka?
Mga guro at estudyante talagang pinaghahandaan ka!
Ano o Sino ka bang talaga?

NAT pwede ka bang makilala?
Cellphone number mo, pwede ko bang makuha?
Ibulong mo lang kung ikaw ay nahihiya,
O di kaya’y isulat sa papel at ipasa mo ng walang makakita.

NAT, babae ka ba?

Kung ganon, tulad ka sana ni ina,

Lahat ng mga mabubuting asal kanyang ipinamana,
Wika pa niya, “Ibigay mo ang iyong makakaya at huwag kang
mangopya.”

NAT, anong dramang taglay mo sa tuwina?
Lahat yatang bibisitahin mo’y nababalisa,
Mga estudyante tuloy ay natataranta at naguguluhan na!
Lalo na kapag sila’y pagsabihan na “SHARING is LOVING and it’s not
CHEATING.”

OMG ka talagang NAT ka!
Utak ng mga estudyante ay tulirung-tuliro na!
Kaibahan ng SHARING at CHEATING talagang hindi na ma-ispelling!
TAMA NA! SOBRA NA! TUMINO KA NA! KABATAAN ay BIKTIMA MO
NA!

NAT o National Achievement Test kung ika’y tawagin,
Natutunan ng mga estudyante sa buong taon ay iyong susukatin,
Dasal ko lang na ika’y sasagutin ng may katapatan at damdamin,
Makakuha man sila ng mababa ay buong-puso at taas-noong
tatanggapin dahil sila’y hindi nag-cheating.

Payo ko lang sa mga pinakamamahal kong mga estudyante,
Si NAT o National Achievement Test ay isang kaibigan, na hindi
dapat katakutan o kasindakan!
Kaya huwag padadala sa mga salita sa may buntot na’t may sungay
pang sanga-sanga,
Sige ka! Hindi ka lang magiging si Pinnocchio, magiging anghel ka
talaga ng demonyo.

Comments are closed.