Home » In The News

13K TITSER WANTED!

28 July 2011 2 Comments

Ni Bernard Taguinod

Para sa mga lisensyadong guro, ihanda na ang inyong biodata dahil sa susunod na taon ay mag­ha-hire ang Department of Education (DepEd) ng 13,000 karagdagang guro para sa mga public schools.

Ito ang lumalabas sa proposed budget ng Dep­Ed na isinumite na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan nakakuha ang mga ito ng pinakamalaking parte sa 2012 national budget na nagkakahalaga ng P1.816 trilyon.

Umaabot sa P238.8 bilyon ang pondo ng Dep­Ed sa susunod na taon kung saan mataas ito ng 15.2% sa 2011 na nagkakahalaga ng P207.3 bilyon sa kasalukuyang taon.

Sa naturang halaga, P2.9 billion ay ilalaan para sa karagdagang 13,000 public school teachers para sa susunod na taon.

Kulang ‘yan!

Subalit para kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) partylist Rep. Antonio Tinio, kulang ang 13,000 kaya huwag ani­yang asahan na gaganda na ang kalidad ng edukasyon sa susunod na taon.

Ayon kay Tinio, 93,000 ang kailangang guro para maturuan ng maayos ang parami ng paraming bilang ng mga estudyante kaya napakaliit aniya ang kukuning 13,000 sa susunod na taon.

(Source: http://abante.com.ph/issue/jul2811/news09.htm)

  • http://www.facebook.com/profile.php?id=100000492962372 Famador Richard

    …Education is a never ending journey, it touches lives…So, being a TEACHER is a noble profession!

  • Beverly_romoc

    nice good for the unemployed new graduates of education