Home » Archive

Articles Archive for April 2010

Uncategorized »

[ 12 Apr 2010 | No Comment ]

ACT TEACHERS ang partylist na tunay na kumakatawan sa interes ng mga guro at kawani sa edukasyon. Pinamunuan ng ACT TEACHERS ang mga rali at pagkilos para sa pagpapataas ng sweldo ng mga guro na nagbunga sa salary increase na tinatanggap natin mula 2009 hanggang 2012.

Ipinaglalaban din ng ACT TEACHERS ang pag-refund sa mga ilegal na kaltas ng GSIS at pagbatikos sa mga di-makatwirang patakaran ni Winston Garcia.

hindi A TEACHER

Ang A TEACHER (#15 sa balota) ay isang huwad na partylist na nagtataguyod sa kapakanan ng mga PRIVATE SCHOOL OWNERS. Ginagamit ang ngalan ng “teacher” ngunit tinututulan ang mga panukalang batas para sa ikagagaling ng mga guro.

Ang kanilang kinatawan sa Kongreso, si Mariano “Nonoy” Piamonte, ay dating tagapagsalita ng COCOPEA (Coordinating Council of Private Education Associations), ang pinakamalaking organisasyon ng mga pribadong paaralan sa bansa.

Nanguna siya sa pagtutol sa panukalang Magna Carta for Public and Private School Teachers and Non-Teaching Personnel noong 2002. Noong 2009, bilang Congressman ng A TEACHER, tinutulan niya ang House Bill 4734 na nagpapanukala ng P9,000 dagdag sa sweldo ng mga guro at kawani ng Department of Education. Hindi rin kailanman nanindigan si Piamonte at ang A TEACHER laban sa pang-aabuso ng GSIS.

Sumasang-ayon kami sa panawagan ni Juan Miguel Luz, dating Undersecretary ng Department of Education:

“In three years, Piamonte did zero for public school teachers… I ask all public school teachers NOT TO VOTE for A TEACHER on May 10. Piamonte has made it a trapo group with no accounting to its teacher members.”

ANG ATING IBOTO!!!

#39 ACT TEACHERS