Home » Activities

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hinggil sa pagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong kaugnay ng pork barrel scam

17 September 2017 No Comment
PRESS STATEMENT
17 September 2017
ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hinggil sa pagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong kaugnay ng pork barrel scam:
Nilantad nito na isa na namang hungkag na pangako ni Pang. Duterte ang paglaban sa katiwalian sa gubyerno. Pinalalabas ngayon na mahina ang kaso laban sa isa sa mga pinakamalaking isda na sangkot sa pork barrel scam. Napipinto na ang pagbigay ng immunity kay Janet Lim Napoles upang magamit ang kanyang testimonya sa pagdiin sa mga kaaway sa pulitika ni Duterte. Ibig sabihin, walang mananagot sa mga pangunahing responsable at nakinabang sa pandarambong ng pondong PDAF. Walang pinag-iba sa pagpuslit ng P6.4B shabu. May krimen pero walang kriminal na pananagutin.
Ihanay pa ito sa pagpapalaya kay Gloria Arroyo at pagtulak ni Pres. Duterte mismo na bigyan ng immunity sa issue ng ill-gotten wealth ang mga Marcos, at makikita natin kung gaano kasaklaw ng pagbaligtad ni Duterte sa mga tagumpay ng mamamayan kontra sa pandarambong at katiwalian.#