Home » Activities, Headline, News

ACT Teachers Rep. Antonio Tinio on the burial of Marcos at LNMB

18 November 2016 No Comment

PRESS RELEASE

18 November 2016 References: ACT Teachers Rep. Antonio Tinio (0920-922-0817)

 

Minadali ng pamilya Marcos ang libing upang makaiwas sa dumadami at lumalaking mga protesta. Parang mga salarin na may itinatago dahil guilty.

Isang mabigat na kasalanan ni Pang. Duterte laban sa sambayanang Pilipino ang pagpahintulot niya ng libing na ito. Sa halip ng paghihilom, lalong pinalalim ang mga sugat na dulot ng diktaduryang Marcos.

Lalong makabuluhan ang mga aral ng pakikibaka laban sa Martial Law sa kasalukuyan. Kailangang maging mapagbantay ang mamamayan gayong nagpapahiwatig si Pang. Duterte ng suspension of the privilege of the writ of habeas at corpus at deklarasyon ng Martial Law bilang bahagi umano ng kanyang “War on Drugs.” Mga unang hakbang ito sa landas ng awtoritaryanismo na hindi maaaring pahintulutan ng sambayanang Pilipino. ###

Comments are closed.