FAQ!: Ukol sa Pagdodoble sa Sahod ng mga Pulis at Militar

Ilang araw na lang at ilulusot na sa Kongreso ang House Joint Resolution 18 at Senate Joint Resolution 9 na sa average ay magdodoble sa suweldo ng mga sundalo, pulis, at iba pang military and uniformed personnel sa gubyerno. Hindi ito iinit sa mesa ng Pangulong Duterte, pipirmahan agad, gagawing pamaskong handog, at ipatutupad agad pagpatak ng 2018.

Sa gitna ng debate, sa gitna ng paglaban natin para sa #SalaryIncreaseParaSaLahat sa loob man o labas ng Kongreso ay lumabas ang mga sumusunod na tanong laban sa ating paninindigan:

Frequently Asked Questions
on the Duterte administration’s Joint Resolution pending in Congress increasing the base pay of military and uniformed personnel

(Part 2)

Ilang araw na lang at ilulusot na sa Kongreso ang House Joint Resolution 18 at Senate Joint Resolution 9 na sa average ay magdodoble sa suweldo ng mga sundalo, pulis, at iba pang military and uniformed personnel sa gubyerno. Hindi ito iinit sa mesa ng Pangulong Duterte, pipirmahan agad, gagawing pamaskong handog, at ipatutupad agad pagpatak ng 2018.

Sa gitna ng debate, sa gitna ng paglaban natin para sa #SalaryIncreaseParaSaLahat sa loob man o labas ng Kongreso ay lumabas ang mga sumusunod na tanong laban sa ating paninindigan:

FAQ#5: “Why don’t you wait for your turn…”

Hindi natin pwedeng sabihin, “Anak, di muna tayo makakakain ng tama ngayon a. Wait for your turn.” Hindi natin pwedeng pakiusapan ang bigas, kuryente, pamasahe, o di kaya ang tuition ng mga anak na “Wag ka munang magmahal, please. Pagkatapos pa ng 2019 kasi ang (posibleng) salary increase ko e.”

Hindi tayo pwedeng sabihan na maghintay lang dahil hindi naghihintay, hindi pwedeng isantabi muna ang mga batayang pangangailangan natin sa araw-araw at di rin naman bumababa ang sky-is-the-langit na presyo nila. Damang-dama ito lalo ng mga kapwa government employee nating nasa mabababang antas gaya ng SG1-10.

At mahirap ding maghintay sa wala…

FAQ#6: “…Kasi may salary increase naman sa 2019.”

Mahirap paniwalaang magkakatotoo ito sa ilalim ng administrasyon ni Duterte na hindi siya tinutulak ng mamamayan, lalo na’t sa tuwing ginigiit natin ang salary increase, tayo ay sinasabihan na “ambitious” (Diokno) o “well-compensated” at binabalik sa atin ang sisi kesyo ang problema lang daw natin ay “lack of financial management” (Briones). Ang statements na ito ay mula sa mga susing alter egos ni Duterte, na di niya kinontra publicly, at higit sa lahat ay di tinatapatan ng kongkretong aksyon upang pasinungalingan ang mga ito, gaya ng pagsuporta sa ating bill for salary increase for all government employees.

Sinabi rin nila sa Kongreso, kasama ng mga nagsulong ng HJR 18 na susi ring mga pulitikal na alyado ni Duterte, na pag-aaralan pa lang sa 2019 ang salary increase for civilian employees pagkatapos ng full implementation ng barya-baryang SSL4. Sa ibang salita, walang tiyak na commitment mula sa administrasyon na ito na magkakaroon nga ng salary increase pagdating ng 2019.

FAQ#7: “Bakit niyo naman dinidikit ang diktadurya at pasismo at kung anu-anong ismo sa salary? Kaya di inaaprubahan salary increase natin kasi kinakalaban niyo e.”

Mahigpit ang ugnayan ng usapin ng suweldo at diktadurya at pasismo dahil mababasa sa tunguhin ng Duterte administration ang adyenda niyang solohin ang kapangyarihang pulitikal at pang-ekonomikong dominasyon at ganansya. Pinatutunayan ng kasaysayan na para sa mga rehimeng may ganitong diktador na tunguhin, mas wais na ligawan ang mga institusyong may armas kaysa sa ligawan ang mga taong ang hawak ay chalk, papel, at computer lamang. Kunin ang suporta ng armas dahil hindi maipapang-kudeta ang chalk, papel, at computer.

May konek dahil ang mga progresibong tao at grupong lumalaban para sa taas-sahod, kasama ang iba pang isyu ng mga mamamayan gaya ng mababang tax, pagwawaksi sa kontraktwalisasyon, makataong modernisasyon ng transportation, pananagutan sa EJKs at iba pang human rights violations, edukasyon ng mga Lumad at iba pang national minorities, at labang anti-corruption ay tinuturing ng administrasyon na mga “terorista” at dapat lang tugisin ng pulis at militar bilang “enemies of the state.” Tinutugis sila sa ligal na arena gamit ang mga gawa-gawang kaso, at dinarahas sa pamamagitan ng pananakot, paniniktik, hanggang sa pagpatay.

Binabansagang panggugulo at terorismo ang mga strike, rali, piket-protesta, at iba pang kolektibong pagkilos na sandata ng mamamayan upang itulak ang mga lehitimong karaingan, mga sandatang akala ng lahat ay ginagarantiya ng Konstitusyon. Ang hibang na pananaw ng pasista at diktador—Patahimikin ang mga taong ito, aktibista man o hindi, gamit ang susing suporta ng pulis at militar, at mapapahupa niya ang papalakas na papalakas na tinig at paglaban ng mamamayan.

(Basahin ang Part 1 dito)

#SalaryIncreaseParaSaLahatSa2018!
#ParaSaGuroKawaniAtBayan

FAQ!: Ukol sa Pagdodoble sa Sahod ng mga Pulis at Militar

Ilang araw na lang at ilulusot na sa Kongreso ang House Joint Resolution 18 at Senate Joint Resolution 9 na sa average ay magdodoble sa suweldo ng mga sundalo, pulis, at iba pang military and uniformed personnel sa gubyerno. Hindi ito iinit sa mesa ng Pangulong Duterte, pipirmahan agad, gagawing pamaskong handog, at ipatutupad agad pagpatak ng 2018.

Sa gitna ng debate, sa gitna ng paglaban natin para sa #SalaryIncreaseParaSaLahat sa loob man o labas ng Kongreso ay lumabas ang mga sumusunod na tanong laban sa ating paninindigan:

Frequently Asked Questions
on the Duterte administration’s Joint Resolution pending in Congress increasing the base pay of military and uniformed personnel

(Part 1)

Ilang araw na lang at ilulusot na sa Kongreso ang House Joint Resolution 18 at Senate Joint Resolution 9 na sa average ay magdodoble sa suweldo ng mga sundalo, pulis, at iba pang military and uniformed personnel sa gubyerno. Hindi ito iinit sa mesa ng Pangulong Duterte, pipirmahan agad, gagawing pamaskong handog, at ipatutupad agad pagpatak ng 2018.

Sa gitna ng debate, sa gitna ng paglaban natin para sa #SalaryIncreaseParaSaLahat sa loob man o labas ng Kongreso ay lumabas ang mga sumusunod na tanong laban sa ating paninindigan:

FAQ#1: “Bakit magsa-salary increase e wala namang pondo?”

Ito ang laging binabato sa atin sa tuwing tinutulak natin ang ating karapatan sa nakabubuhay na suweldo. Pero ang hirap paniwalaan kung year in at year out, laging may naisasantabi ang Kongreso at administrasyon para sa papalaki at papalaking congressional at presidential pork barrel, at wala para sa taas-suweldo. Laging may nama-magic na pondo para sa mga programang anti-mamamayan pero wala para sa salary increase. At ngayon—mas mabilis pa sa alas-kwatro—nahanapan agad ng P63.4 billion para doblehin ang suweldo ng mga pulis at sundalo. Ika nga, Kung ayaw, sandamakmak ang dahilan. Kung gusto, maraming paraan.

At ngayong nasa usapin naman na tayo ng paraan, paano nga pala nagkaroon bigla ng pondo para sa salary increase ng pulis at militar? Ayon sa mga nagtutulak ng panukala, nahanapan ng pondo dahil nagkaroon ng savings ngayong taon sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund, ang tawag sa lump sum para sa ilang benepisyo ng lahat ng government employees gaya ng Performance-Based Bonus—ang mismong bonus na tinapyasan ngayong 2017 at ginawang 65% ng basic salary na lang mula sa dating 1-2 months salary.

Connect the dots: ang pondong dapat para sa lahat ng government employees, na 80% ay mga sibilyan, ay tinipid at binigay sa militar at pulis lamang.

FAQ #2: “Bakit nilalabanan niyo ang salary increase ng pulis at militar e pareho naman tayong mga kawani ng bayan?”

Hindi tayo tutol sa salary increase ng pulis at military. Sa katunayan, bago pa man hinain ang House and Senate Joint Resolutions ay matagal nang naka-file (noong July 2016 pa) ang panukala ng ACT Teachers at ng buong Makabayan bloc na House Bill 56, An Act Increasing the Minimum Salaries of Public School Teachers and other Government Employees and Augmenting the Personnel Economic Relief Allowance. Malinaw sa ating bill na ang panawagan natin ay SALARY INCREASE PARA SA LAHAT—parehong sibilyan at militar—na may minimum na suweldo na P16,000 para sa SG1. Malinaw rin ito sa proposed amendment ng ating mga Kinatawan, noong tinatalakay sa Lower House ang House Joint Resolution 18, na isama ang lahat ng kawani ng gubyerno sa coverage ng increase, bigyan ng P3,000 increase ang bawat civilian at military and uniformed employee—amendment na mabilis na tinangihan ng administrasyon sa pamamagitan ng sponsor ng HJR 18.

Totoo: Pare-pareho naman tayong mga kawani ng bayan. Kaya ang sigaw natin: Dapat ay walang malulugi, dapat ay walang maiiwan.

FAQ#3: 
“Bakit tinatabla natin ang reward para sa mga pulis at sundalo na buhay ang inaalay sa serbisyo?”

Ang kadikit sa argumentong ito ng DBM at administrasyon: Mataas ang risks ng trabaho ng mga sundalo at pulis—Na tila walang risks na kinakaharap araw-araw ang mga sibilyang empleyado sa kanilang trabaho. Na tila hinihiling ng gubyerno na literal na magbuwis ng buhay ang mga sibilyan sa ngalan ng serbisyo. Na mas mababa ang halaga ng serbisyo ng mga sibilyan kaysa sa serbisyo ng mga unipormado.

At muli, hindi natin tinatanggihan ang pangangailangan ng mga sundalo at militar sa salary increase. Ang sa atin lang, may pantay na halaga, pantay na pangangailangan ang mga sibilyan na empleyado—pangangailangang dapat na agarang harapin ng gubyerno.

FAQ#4: “Bakit ipagsasabay ang salary increase ng militar at pulis sa salary increase ng mga sibilyan e ‘di naman pwede?”

Baliktad po: Hindi pwedeng hindi ipagsabay dahil sa tuwing may nauuna, may naiiwan. Sa katunayan, tayong mga empleyadong sibilyan sa gubyerno ay maiiwan ng todo-todo dahil magkakaroon ng malaking salary distortion sa pagitan natin at mga sundalo at pulis, kahit pareho o magkalapit o mas mataas ang qualifications at years in service.

Halimbawa, kahit candidate soldier o trainee sa AFP na 72 units lang sa college o techvoc ang kailangan, ay P18,587 na ang matatanggap kada buwan simula 2018, na tataas muli sa 2019. Samantala, libu-libong rank-and-file sa Salary Grades 1-10, na may kapareho o mas mataas na qualifications, ay P10,510 to P18,718 lang ang matatanggap. Ang entry-level na pulis (PO1) o may ranggong Private na militar ay makakatanggap ng P29,668, halos P10,000 ang agwat sa suweldo ng entry-level na teacher o nurse, o secretary, Registrar I, at Guidance Counselor I na nasa SG11. Take note na sila ang frontliners sa schools, hospitals, at government offices, at bumubuo ng mayorya sa burukrasya.

(Basahin ang Part 2 dito)

 

#SalaryIncreaseParaSaLahatSa2018!
#ParaSaGuroKawaniAtBayan

Solons condemn killing of progressive priest, escalating attacks

PRESS RELEASE
05 December 2017

Solons condemn killing of progressive priest, escalating attacks

ACT Teachers Representatives Antonio Tinio and France Castro condemned in the strongest possible terms the killing of Fr. Tito Paez in Nueva Ecija yesterday evening, December 4 and the increasingly worsening state of human rights in the Philippines under the Duterte administration. Both solons hold President Duterte accountable for the increasing number of human rights defenders harassed, attacked and killed under his administration.

Another killing of a human rights defender was reported last night. Fr. Tito Paez, former parish priest in Guimba and currently coordinator of the Rural Missionaries of the Philippines in Central Luzon, was shot at 8pm last night while driving his vehicle at San Leonardo, Nueva Ecija. He died a few hours later at the hospital. Earlier that day, Fr. Tito assisted in facilitating the release of political prisoner Rommel Tucay who is detained at the BJMP jail in Cabanatuan. Fr Tito was also a founding member of the Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) in Central Luzon.

This was after the killing of Pastor Lovelito Quiñones last December 3 in Sitio Anapla, Brgy. Din Pedro, Mansalay, Oriental Mindoro and the shooting of a fact-finding mission which caused the death of Elisa Badayos, Karapatan Central Visayas coordinator last November 28 in Negros Oriental.

“This is part of the crackdown against progressive organizations which Duterte vilifies as in a ‘conspiracy’ with the CPP-NPA-NDFP. Human rights defenders are being harassed, attacked and killed left and right under the Duterte government,” Tinio stated. “Fr. Tito Paez has been fighting for the people’s rights since the time of Marcoses. We are saddend and deeply angered by his killing.”

“How could the Filipino people sleep comfortably in their homes when we hear news of the killings of human rights advocates everyday by state agents who should be the main protector of the people’s basic human rights?” Castro said. “It is very ironic that as we near the commemoration of the Universal Declaration of Human Rights this coming December 10, the state intensifies its attacks against human rights defenders, with Duterte tightening his fascist dictator’s hold on the government.”

“State security forces and their proxies are shooting and killing activists as part of Duterte’s crackdown,” Tinio added. “We hold President Duterte directly accountable for the further worsening state of human rights in our country from the thousands killed under his drug war to the killings of activists, critics and defenders of human rights.”

“The people will not allow another dictator to rule our country,” Castro added. “The people will resist this fascist rule and will continue to fight for their rights.”###

Trump visit to yield more anti-people policies – solons

PRESS RELEASE
10 November 2017

Trump visit to yield more anti-people policies – solonsFB_IMG_1510284624739ACT Teachers representatives Antonio Tinio and France Castro will join the series of protest actions against US President Donald Trump who is set to arrive in the Philippines on November 12 .

The ASEAN and East Asia Summit to be held in the Philippines on November 12-14 and will serve as occasion for the imperialist powers to project their military and political power in the Asia-Pacific region and draw out further liberalization policies from the Philippines and other backward economies.

“US President Trump has been welcomed with protests wherever he goes all over the world and he will also be met with protests in his visit here in the Philippines for the ASEAN Summit,” Tinio said. “His visit in the Philippines will bring more harm than good as he represents the worst of imperialism which subjects the struggling people to worsening forms of oppression and exploitation.”

“US President Trump also represents a fascist and racist leader that brings wars,” Castro said. “He approves of Duterte’s war on drugs, counter-insurgency operations and Martial Law in Mindanao. Duterte, in return, would allow to increase US military presence in the Philippines with agreements such as VFA and EDCA. President Trump wants to involve the Philippines with the US conflict with North Korea.”

“Both US President Trump and President Duterte side with the interests of the rich few with their tax reform packages that cater to big businesses while cutting the budget for social services like health,” Tinio said. “Also the unfair neoliberal treaties and agreements with the US and alliances like ASEAN are the reasons why our salaries remain low, education system remains flawed.”

“We urge the people t join the series of protests against US President Trump and President Duterte and to strengthen our fight against the unequal and anti-people relations of the US and the Philippines,” Castro ended.###