Home » Headline, News

Clothing allowance ng mga guro itinaas

16 February 2012 3 Comments

Clothing allowance ng mga guro itinaas
Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated February 13, 2012 12:00

MANILA, Philippines – Nagdiwang ang mga guro sa Metro Manila makaraang itaas ng Department of Education (DepEd) ang ibinibigay na “clothing allowance” nila.

Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagbunga ang panawagan nila sa dagdag na kompensasyon para sa mga guro na inum­­pisahan nila noong 2011 sa paghiling na itaas ang clothing allowance sa P6,000 kada taon.

Bahagi anya ito ng “Ten Point Demand for Greater Budget for Education” na kanilang inilunsad.

Nagsagawa ang mga guro ng sunod-sunod na demonstrasyon at dayalogo sa mga opisyales ng pamahalaan. Kasama dito ang pagliham kay Education Secretary Armin Luistro na maaaring itaas ang clothing allowance sa P5,000 na maipagkakasya naman sa pondo ng ahensya base sa GeneralAppropriations Act of 2012.

Sa huling dayalogo ngayong taon kay DepEd-NCR budget chief, Paul Garcia, inihayag nito na itinaas na sa P5,000 ang clothing allowance ng mga guro sa Metro Manila.

“Fellow teachers, let us claim and rejoice our victory,” ayon kay France Castro, secretary-general ng ACT.

Sa kabila ng tagum­pay, sinabi ni Castro na patuloy pa rin nilang ipag­lalaban ang iba pang pangangailangan sa edukasyon tulad ng dagdag na mga guro, regularisasyon ng mga kaswal at volunteer na guro, dagdag sa suweldo at iba pang benepisyo.

 

  • Masiclaterlinda

    guro lang po ba sa metro manila?bakit kailangan po na taon taon na palitan ang uniform?hindi pa man po nkuhang lumuma pinapalitan na?sana po at least kada 2 taon napapalitan.gagamitin na lang ang clothing allowance sa ibang pangagailangan tulad ng bag o sapatos.pangit naman pong tingnan bago ang damit luma ang bag at sapatos.palitan ang clothing allowance ng clothing and other needs allowance.hindi naman po kc pweding ipamigay ang uniform dahil hindi nman maisusuot sa ibang poagkakataon o okasyon.maraming salamat.

    • Anonymous

      Nationwide po ang coverage nito under dep ed. dapat po chash itong matatanggap ng bawat indibidwal na teacher ayon po sa GAA provision. Sa ganitong arrangement nasa indibidwal po na teacher pagpapasya kung ibibili nya ng bagong uniform o ibapa.

      Mr. Montes
      Chief of Staff

  • Musique

    This year na po ba ang implimentation nito? Another thing po, sana po maipaglaban nyo po na babaan ang cut-off dun sa limit sa payslip ng mga guro para makaloan..instead of 5,000 eh gawing 4,000. napakarami pong guro na may pinag-aaral sa kolehiyo, alam natin lahat na di tlaga kakasya ang sweldo ng mga guro sa mga gastusin, loans lng ang takbuhan ng mga guro..mahihirapan na po mkapag-file ang mga guro kung ganun kataan ang required cut-off sa sweldo.. Please po tulunga nyo po ang mga guro.