Home » Features, Headline

Mensahe ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hinggil sa HB 6268 (SSL 2015)

9 November 2015 5 Comments

P2,205 lamang sa loob ng apat na taon ang salary increase ng Teacher I sa proposal ng Malacanang na nakapaloob sa House Bill 6268 ng administrasyon, ang “Salary Standardization Law of 2015” o SSL 2015.

Mula sa kasalukuyang P18,549/buwan ng Teacher I, magiging P19,077 ito sa 2016, P19,620 sa 2017, P20,179 sa 2018, at P20,754 sa 2019.  Katumbas ito ng 11.89% increase sa loob ng apat na taon.  Ni hindi matutumbasan ng kakarampot na increase na ito ang pagbawas sa tunay na halaga ng suweldo dulot ng annual inflation para sa mga taong 2013-2015 (nasa 3-4%) at sa malamang na inflation sa mga taong 2016-2019.

Samantala, sa mga executive-level positions, aabot sa 76.96% (para sa Salary Grade 25) hanggang 233.12% (para sa Salary Grade 33, Presidente ng Pilipinas) ang ibibigay na increase.

Totoo na magbibigay ng mid-year bonus na katumbas ng isang buwang suweldo at magpapatupad din ng Performance-Based Bonus na katumbas ng isa hanggang dalawang buwang suweldo.  Bukod sa pagtutol natin sa balangkas ng PBB, malinaw rin na pagdating sa usapin ng basic pay, dehadong-dehado ang mga nasa mababa hanggang panggitnang antas ng mga government employees samantalang higit na pinapaburan ang mga mataas na opisyal ng gubyerno sa panukalang SSL 2015 ni Pangulong Aquino.

Pinatutuyan muli nito na hindi kailanman ihahain ng gubyerno sa bandehadong pilak ang desenteng suweldo para sa mga karaniwang guro at kawani.  Kailangan nating ipaglaban ito.  Ngayon ang panahon para kumilos tayo nang sama-sama at mas marami.  Lumahok tayo sa National Day of Protest na pangungunahan ng ACT sa November 11.

Tutulan natin ang SSL 2015 at ipaglaban ang makabuluhang salary increase para sa mga guro at kawani! P25,000 para sa Teacher I!  P16,000 para sa Salary Grade 1!

HB 6268 SSL 2015 matrix_1HB 6268 SSL 2015 matrix_2HB 6268 SSL 2015 matrix_3HB 6268 SSL 2015 matrix_4HB 6268 SSL 2015 matrix_5

  • Arturo Agaceta

    I was wondering kung bakit hindi ka co-author ng House Bill 6268 considering you are there to represent the teachers. And public school teachers are also classified as government personnel. Nag-react ka lang nung tapos na i-plot ang lahat! Ano ginagawa mo sa Congress? Mga ma’am / sir bigyan paki-check nga attendance nito. baka laging cutting classes kaya di alam kung anu-ano ang ginagawang panukalang batas sa Kongreso.

  • Michelle Mahinay

    SANA EQUAL PERCENTAGE NALANG ANG ININCREASE PER SALARY GRADE HINDI YONG MATATAAS NA NGA ANG SINASAHOD MALAKI PA ANG ININCREASE ……HAY PAG GANITO ANG SAHOD NILA SANA D NA SILA CORRUPT ….

  • Michelle Mahinay

    ANONG NANGYARI SA SSL4 BAT D YON ANG NAAPROVE NANG CONGRESS?

  • Michelle Mahinay

    GAWIN NALANG TAX EXEMPT ANG SALARY GRADE 1-11 PARA MALAKI ANG TAKE HOME PAY