Home » In The News

Mga nadaya sa 07 poll, pwede pang umupo sa pwesto

2 August 2011 No Comment

MALAKI pa ang pag-asa ng mga sinasabing nadaya sa 2007 election na mapaupo sa kanilang dapat na pwesto sa pamahalaan.

Ayon kay CIBAC Partylist rep. Sherwin Tugna, mapapaupo pa ang mga nadaya sa halalan kung magiging mabilis ang resolusyon ng gagawing imbestigasyon sa kaso ng poll fraud.

Dapat din aniyang alamin ang time frame ng criminal justice at political justice ng sa gayon may panahon pa upang makapaglingkod ang mga senador na nararapat na maupo sa pwesto.

Ngunit para naman kay Act Teachers rep. Antonio Tinio, malabo ng makaupo ang mga pulitikong nadaya kahit pa lumabas ang resulta ng imbestigasyon dahil tapos na ang termino na dapat sana’y nakapanungkulan ang mga ito.

 

(Source: http://www.rmnnews.com/beta/news/national/18222-mga-nadaya-sa-07-poll-pwede-pang-umupo-sa-pwesto.html 19 July 2011)

 

Comments are closed.