Home » In The News

Mga obispong tumanggap ng SUVs ipinalalantad

3 July 2011 No Comment

By Meliza Maluntag

HINAMON na ng mga kongresista ang liderato ng Simbahan na pangunahan ang paglalantad sa mga obispo na umano’y tumanggap ng mga sports utility vehicle (SUV) mula kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kina Iloilo Rep. Janette Garin at Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. Antonio Tinio, labis nang nakakaligalig ang panibagong iskandalong ito sa Simbahan, kung kaya’t marapat lamang na ilantad ang natanggap nilang “donasyon” mula sa nakalipas na administrasyon.

May hinala ang dalawang mambabatas na mas marami pang obispo ang nakinabang sa Malakanyang noong termino ni Arroyo gamit ang umano’y donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ani Garin, mas makabubuti kung ang pondo para sa Pajero ay ginamit para gawing subsidiya sa pangangailangang pangkalusugan ng mga madre, pari at seminarista tulad ng dialysis, kidney transplants, heart ailments, at iba pang sakit.

“The news that seven Pajeros were given to bishops is disturbing,” giit ni Garin.

Iginiit ni Tinio na lantad naman umano na ginamit ni GMA ang pondo ng PCSO at iba pang ahensya ng gobyerno para bilhin ang katapatan ng Simbahan.

“It is well-known that former President Arroyo made use of PCSO and other government funds to buy the loyalty of the Catholic Church hierarchy,” ayon naman kay Tinio.

Inudyukan naman ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House committee on appropriations, ang mga nagsitanggap ng mga mamahaling sasakyan na ibalik na lamang ang mga ito.

“I appreciate the bishop’s (Cruz) statements of transparency and informing the public and the concerned bishops should come clean and return the vehicles which came from PCSO if there is any violation of law, vows, or morals,” giit naman ni Abaya.

Ibinunyag ng PCSO na inaprubahan umano ng dating board ang pagbibigay ng SUV kina Butuan City Bishop Juan de Dios Pueblos at Rev. Orlando Quevedo ng Cotabato, Monsignor Augusto Laban ng Sorsogon at Fr. Roger Lood ng Iligan City.

(Retrieved at: http://www.remate.ph/2011/06/bishops-na-tumanggap-ng-suvs-ipinalalantad/)

 

Comments are closed.