Home » Activities

On the trillion-peso Build, Build, Build Program vis a vis the lack of funds for housing in the 2018 budget and Human Rights

17 August 2017 No Comment

ACT Teachers Party-List Antonio Tinio

Press conference, 17 August 2017

(Transcript)

 

On the trillion-peso Build, Build, Build Program vis a vis the lack of funds for housing in the 2018 budget:

 

Yung budget ng DPWH, and of course ang isang pinagmamalaking highlight ng budget na ito—itong first full budget ng Duterte administration ay yung infrastructure component, yung BBB, Build Build Build.  Ang tawag nga ni Secretary Villar ay “golden age of infrastructure”. Mahigit one-third ng P3.6 Trillion National Budget ay infrastructure. Of course, ang sinasabi nila para daw umunlad ang ekonomiya, para daw maka-akit ng foreign investors, ang hinahanap daw ng foreign investors ay yung magandang imprastraktura.
Ngayon, ang tanong naman natin, paano yung taumbayan, lalo na yung maralita? So, kung may mahigit isang P1 Trillion para sa export-oriented, foreign investment-oriented na infrastructure, nasaan ang infrastructure para sa bahay? Yan ang matagal na nating tinatanong. Kung titingnan natin ang budget ng NHA, P2.2 Billion ito, P1.6 Billion nito para sa PNP hpusing, tapos yung matitirang more or less P600 Million pesos, yun lang ang pondo para sa resettlement ng maralita.
Malaking bahagi or yung unang step sa mga bagong proyekto, sa big ticket infrastructure projects ng Duterte administration, ang unang hakbang ay ang pag-secure ng right of way. Ibig  sabihin kailangan malinaw yung lupa na dadaanan nung mga malalaking proyekto na ito. Kaya nga malaki yung pondo ng right of way ng DPWH, P58 Billion siya compared to around P18 Billion noong nakaraang taon. So yung right of way mainly pambayad sa mga private property owners para ma-secure  yung right of way sa project.

Inevitably, ang ibig sabihin ng right of way ay kailangang mag-demolish. So, inaalam natin sa DPWH kung gaano karaming mga pamilya, mga maralita ang apektado or will be affected by all these big ticket infrastructure at wala silang masagot. Basically, wala silang mabigay na figure.
Labag nga ito sa bagong Right of Way Law. Sa batas at sa bagong Implementing Rules nito, sinasabi na bago simulan ang proyekto, kailangan ipaalam na ng implememting agency, in this case DPWH yung bilang ng mga maapektuhang pamilya at kailangang mag-coordinate na sa HUDC para ma-budgetan para sa resettlement.

Ngunit malinaw na walang pondo dito. Actually, nanggaling kay Secretary Diokno nung una silang humarap dito sa Congress ang DBCC, ang sabi lang niya na yung pondo para sa right of way na yan, a portion of that ay pera para daw ibigay sa mga maralita para “tumabi na sila para matuloy ang proyekto.”  Those were his exact words. So mukhang hanggang dun lang, “patatabihin” o “lilinisin”—again, that was the word used by Sec. Diokno—“lilinisin” raw yung mga lugar para matuloy yung proyekto.  Tapos, wala namang proyekto para bigyan ng aktwal na pabahay yung mga maralitang maapektuhan dito.

So, yun yung isang tinututulan natin sa BBB, sa Build Build Build, sa golden age of infrastructure.  Infrastructure para kanino ito? At paano yun libu-libong pamilyang maralita na made-demolish, wala namang ibibigay ang gobyernong ito in terms of housing.

 

 

On human rights:

 

Kahapon kasama sa speech ni Pangulo yung atake na naman sa human rights tsaka sa mga nagtatanggol ng human rights. Paulit-ulit na ginagawang argumento ni Pang. Duterto yun.  Actually ang latest statement niya diba, “Kung mga human rights defenders or activists, barilin niyo na rin.”  Parang ganun.  Sa tingin natin ay kailangan hamunin at hindi palampasin paulit-ulit na [pahayag niya] kontra human rights.
Sinasabi na bakit pag may biktima ng krimen, pinatay, ni-rape, ay tahimik kayo pero kapag involved ang pulis o sundalo, diyan kayo magaling, diyan kayo lumalabas.  Pero ganun naman talaga ang set-up ng batas sa ilalim ng ating Konstitusyon, sa lipunan natin at kahit sa ibang mga bansa.  Kung sa mga krimen, nariyan ang batas, ang buong sistema ng gobyerno ay andiyan, so mayroon kang criminal law, mayroon kang law enforcers, mayroon kang mga korte.  Mayroon kang kulungan at ang buong sistema na yan na pinopondohan ng mga taxlayers ay andiyan para protektahan ang mga mamamayang biktima ng krimen.
Ngayon, yung human rights, yung sistema ng pagprotekta sa human rights, yung mga advocate ng human rights, andyan para bantayan yung mga dapat na nagpapatupad ng batas.  Lalo na yung mga armado, mga pulis at military. Kailangang andiyan yan para maprotektahana naman ang mamamayan na hindi sila mang-aabuso sa mamamayan. Dahil malaking problema kung yung mga inatasan at binigyan ng kapangyarihan ng lipunan at inarmasan ay mang-aabuso at mambibiktima na rin ng taong bayan.  Kaya andiyan ang sistema ng human rights para bantayan yung mga dapat na magtanggol sa karapatan ng mamamayan.  Paano kung sila na ngayon ang umaabuso sa karapatan ng mamamayan?  Unfortunately, hindi ba ganyan ang ang nangyayari ngayon? Kung may impunity, kung lahat palaging “nanlaban”?  Eh, di talagang delikado para sa lahat ng mamamayan ‘yan.
On the progressive cabinet members:

 

Nakita rin naman natin in the case of Gina Lopez—in the end ay pinabayaan siya ni Pangulong Duterte na basically ay pag-piyestahan ng mga pro-mining sa Kongreso mismo.  Ganun din sa kaso ni Sec. Judy, malinaw ang signal, lalo na dito sa House na pwede na, free for all.  Sa totoo lang, walang mabanggit na dahilan.  Alam naman natin ang totoong dahilan ay ang anti-pork stance ni Judy.  Siyempre hindi nila mabanggit ‘yun dahil unconstitutional.

Sa simula’t sapul pa lang, tutol na ang mga pro-landlord at mga aktwal na landlord dito sa House and I think malinaw naman ang desisyon ni Pang. Duterte dito na pinapaubaya na niya sa House yung mga left-leaning members ng kanyang gabinete.  In fact may mga naka-line up na para pumalit.

Comments are closed.