Activities »

[ 26 Sep 2017 | Comments Off on Explanation of NO vote to House Bill No. 6125 or the Proposed 2018 National Budget ]

26 September 2017

Maraming Salamat Mr. Speaker. Una po, nais kong irehistro ang pagtutol sa nagging proseso ng pagboto on third reading sa house bills 6215. Hindi man lamang po pinaalam ng mayorya sa kapulungan ang mga amyenda na ginawa ng small committee at ipinaloob sa third reading version na ating pinagbotohan. Kaya wala pa po, bukod sa mga iilang kasama natin dito ang nakakaalam kung ano ang mga pagbabagong ginawa mula sa version ng 2nd reading hanggang sa version na pinagbotohan natin ngayon. So nais ko pong irehistro iyan for the record.

Ngayon, bakit po ako bumoto ng no. Una, tanong na para kanino ba ang house bill 6215 na nagpapanukala ng 3.7 trillion na badyet ng pambansang gubyerno para sa 2018? Ito ay badyet na pangunahing makikinabangan ng mga malalaking negosyante at asyendero at kanilang mga kasosyong dayuhan. Hindi ito lulutas sa laganap na kahirapan bagkus, patutuloy ang lalaking agwat sa pagitan ng mayaman at nakararami sa mahigit na 90% ng mahihirap. At lalala ang kawalan ng pagkakapantay pantay sa ating lipunan.

Kung susumahin, ang badyet na ito ay badyet para sa patuloy na pagkita o pagtubo ng iilan at dayuhan. Badyet para sa social safety net. Para sa nakararaming nalalaglag. At badyet para sa panunupil sa mga tututol at lalaban sa ganitong kaayusan.

Tanging ang pagpapaunlad ng agrikultura sa pamamagitan ng tunay na repormang agraryo at ang pambansang industriyalisasyon ang lilikha ng disenteng trabaho, lulutas sa kahirapan at magdadala sa ating lipunan sa higit na pagkakapantay-pantay. Ngunit hindi ito ang popondohan ng HB 6215. Kapos ang pondo sa agrikultura at sa repormang agraryo samantalang barya lamang ang nakalaan para sa lokal na industriya at maliit na negosyo. Pananatiliin ng administrasyong Duterte ang 2 tier wage system, sa pribadong sektor mapapanatiling mababa ang sweldo, sa sahod, mananatiling kapos ang sweldo sa pampublikong sektor habang babawasan ang mga benepisyo ng mga government employees ay maglalaan ng pondo para sa pagdoble ng sweldo ng pulis at militar. Mananatiling malaganap ang kontraktwalisasyon sa pribado at pampublikong sektor.

Sa halip na pondohan at suportahan ang direktang produksyon at ang mga lokal na producer alinsunod sa ideyang neoliberal, pagbubuhusan nila ng badyet na ito ang imprastraktura dahil ito daw ang hinahanap ng mga foreign investors kaya mahigit isang trilyon sa badyet na ito ay para sa Build! Build! Build! Program ng Duterte administration na magpopondo sa mga engrandeng proyekto na hinahanap umano ng mga foreign investors. Mga highway, riles, daungan, airport at iba pang mga pangangailangan ng export manufacturing ng service sector kabilang na yung mga BPO, mga mall, real estate development, turismo at iba pa para sa pag eexport ng mga hilaw na materyales mula sa pagmimina at agrikultura. Samantala, wala, kapos o binawasan ang pondo para sa disente at murang pabahay, sementadong kalsada ng hanggang antas barangay, malinis na tubig at sanitasyon para sa lahat, murang kuryente at telekomunikasyon, kasama ang internet para sa lahat.

Bagaman wala ng PDAF, pinananatili ng badyet na ito ang congressional pork barrel at ang presidential prok barrel. Kung sa usapin ng serbisyong panlipunan, popondohan upang makapag palitaw ng skilled labor force para sa export oriented economy. Para sa labor export policy natin, para sa export manufacturing para sa BPO at Turismo. Ito ang konteksto ng patuloy na pagpopondo sa K to 12 at sa free higher education. Alinsunod sa dogma ng neoliberalismo, ang mga serbisyong panlipunan ay patatakbuhin ayon sa prinsipyo ng pribatisasyon at komersyalisasyon. Kaya babawasan o pinananatiling kapos ang pondo para sa operasyon ng edukasyokn, ng kalusugan at ng iba pa. at ang pinakamalaking social safety net ay nananatiling ang badyet para sa 4Ps ng DSWD.

Pondo rin ito para sa mga tututol. Popondohan po nito ang tatlong giyera ng Duterte Administration, ang giyera kontra droga, sa mamamayang moro na kasalukuyang naka tuon sa pagwasak sa Marawi at nagpataw ng Martial law sa buong Mindanao. Giyera kontra droga na nagdulot ng libo-libong EJK sa hanay ng maralita sa kalunsuran habang pinalulusot ang mga producer at smuggler ng droga. Giyera kontra sa mahihirap na magsasaka, katutubong lumad sa kanayunan. Kasama rin dito ang initial na pagbawas sa pondo ng CHR na ibinalik ngunit hindi buo ang pagbalik.

Lahat ng ito ay popondohan ng isang regressive tax regime na lalong palalain ng tax reform program o TRAIN. Pakikinabangan ng malalaking negosyante, mayaman at may kaya, habang ipapasa ang tax burden sa maralita na pipigain para sa dagdag na revenue ng gobyerno. Dahil sa lahat po ng mga ito ay bumoto po ako ng NO.###

Activities »

[ 17 Sep 2017 | Comments Off on ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hinggil sa pagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong kaugnay ng pork barrel scam ]
PRESS STATEMENT
17 September 2017
ACT Teachers Rep. Antonio Tinio hinggil sa pagpiyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kasong kaugnay ng pork barrel scam:
Nilantad nito na isa na namang hungkag na pangako ni Pang. Duterte ang paglaban sa katiwalian sa gubyerno. Pinalalabas ngayon na mahina ang kaso laban sa isa sa mga pinakamalaking isda na sangkot sa pork barrel scam. Napipinto na ang pagbigay ng immunity kay Janet Lim Napoles upang magamit ang kanyang testimonya sa pagdiin sa mga kaaway sa pulitika ni Duterte. Ibig sabihin, walang mananagot sa mga pangunahing responsable at nakinabang sa pandarambong ng pondong PDAF. Walang pinag-iba sa pagpuslit ng P6.4B shabu. May krimen pero walang kriminal na pananagutin.
Ihanay pa ito sa pagpapalaya kay Gloria Arroyo at pagtulak ni Pres. Duterte mismo na bigyan ng immunity sa issue ng ill-gotten wealth ang mga Marcos, at makikita natin kung gaano kasaklaw ng pagbaligtad ni Duterte sa mga tagumpay ng mamamayan kontra sa pandarambong at katiwalian.#

Activities »

[ 6 Sep 2017 | Comments Off on Teacher-solons hit AFP, Duterte for death of Lumad student ]

PRESS RELEASE
06 September 2017

 

ACT Teachers Representatives Antonio Tinio and France Castro condemn in the strongest possible terms the killing of Obillo Bay-ao, a grade six pupil of Salogpongan Ta Tanu Igkanogon Community Learning Center (STTICLC) by a member of the Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) and the paramilitary Alamara identified with the Armed Forces of the Philippines (AFP) yesterday at Sitio Dulyan, Talaingod, Davao Del Norte.

 

“We are enraged that another Lumad student like Obillo fell victim to the Duterte regime’s martial law and deceptively named Development Support and Security Plan (DSSP) Kapayapaan,” said Tinio. “Obillo was a Grade 6 student, a 19-year-old whom state forces murdered while he was helping his family harvest their crops. He is the 47th Lumad killed in the Southern Mindanao Region and there is no let-up in such killings especially since it is the President himself who maliciously tagged the Lumad and their schools as rebels and therefore military targets.”

 

The solons lamented that while indigenous peoples like the Lumad in Mindanao fight against the plunder of natural resources and in defense of their ancestral lands, DSSP Kapayapaan is used as a fascist tool to suppress these struggles. With martial law in place, soldiers are even more emboldened to instill fear and terror among the Lumad, even innocent youth like Obillo.

 

“Clearly, the youth and national minorities are victims of President Duterte’s martial law in Mindanao,” stressed Castro, saying that military operations forced Obillo, his family and community to evacuate and stay in UCCP Haran in July. They only went back to their home in time for harvest this August. “Their school and community in Talaingod had been consistently targeted by military operations since 2008 and a year under President Duterte did not change this for good,” Castro pointed out.

 

“We demand that the President order the pull-out of AFP troops from communities to put an end to this spate of killings and human rights violations against the Lumad. We demand that he scrap the anti-people DSSP Kapayapaan, lift martial law, and disband paramilitary groups in the countryside. We hold his administration’s fascist policies responsible for the killings and ongoing human rights violations against the Lumad. President Duterte should retract his past statements that facilitated the perpetuation of attacks against indigenous schools and communities,” the solons ended. ###

 

Justice for Obillo Bay-ao!
#AFPStopLumadKillings
#SaveOurSchools

Activities »

[ 5 Sep 2017 | Comments Off on Solon scores reduction in Performance-Based Bonus for government employees ]

PRESS RELEASE

05 September 2017

ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio scored the decrease in the funding for Performance-Based Bonuses (PBB) given to government employees at the plenary debates Monday for the 2018 budget of the Department of Budget and Management (DBM). From P16 Billion in the 2017 General Appropriations Act, funding for PBB will go down to P11 Billion under the 2018 General Appropriations Bill.

The decrease is due to the issuance of DBM Memorandum Circular No. 2017-1, or the “Guidelines for the Grant of Performance-Based Bonus (PBB) for Fiscal Year 2017 under Executive Order No. 80, s. 2012 and Executive Order No. 201, s. 2016.” The guidelines reduced the PBB starting 2017 to a range of 50% of the employee’s salary up to 65%. The benefit was a range of 1 month salary up to 2 months salary of the employee per Executive Orders 80 and 201.

“Can a mere Memorandum Circular of the DBM supersede an Executive Order issued by the President? We say that it cannot. This drastic reduction of the PBB therefore has a very questionable legal basis,” stressed Tinio. “Second, I raise this issue because this results to a diminution of a benefit already given to and relied upon by many government employees.”

The solon cited as example a government employee receiving Salary Grade 1, the minimum pay grade in government. “Ano ang maasahan ng ay pinakamababang sweldo sa gubyerno, yung mga nasa Salary Grade 1 o around P10,000 kada buwan? Magkano na ngayon ang maasahan nila? E dapat sana from P10,000 to P20,000 na PBB. Dahil sa memorandum, P5,000 na lang to P6,500.”

The solon stressed that they actually are against a system of performance-based incentives including the PBB for being divisive and discriminatory and because it is not given to all employees, among other reasons. However, government should not take away the benefits of government employees especially those receiving meager salaries.

Rep. Karlo Nograles, House appropriations chair and sponsor of the budget bill, said that DBM is currently evaluating whether or not the PBB is effective and should be discontinued or enhanced.

“Kung ang layunin ng DBM ay i-abolish na ang PBB dahil hindi lahat ay nakikinabang dito at para magbigay-daan sa isang sistema ng benepisyo na tunay na pakikinabangan ng lahat, siyempre susuportahan po natin yan,” Tinio answered. “However, tutol po tayo sa malaking pagbawas ng benepisyo ng PBB para sa kasalukuyang taon, 2017 at para sa susunod na taon. Ibig sabihin nito, sa halip na mas marami ang makinabang sa susunod na taon ay lalo pang mababawasan ang benepisyong ito.”

The solon ended by urging the DBM to follow what is provided by EOs 80 and 201 and not drastically reduce the PBB. He also called upon the Committee on Appropriations and Congress to listen to the demands of government employees for salary increase and a better incentive system that will cater every government employee without being divisive and discriminatory. ###