Home » Activities, Features, Headline

Privilege Speech condemning the indefinite suspension of the House investigation on the Mamasapano clash (16 February 2015)

16 February 2015 No Comment

I join the Honorable Senior Deputy Minority Leader [Bayan Muna] Congressman Neri Colmenares in condemning and denouncing the decision pertaining to the investigation into the Mamasapano encounter.

Mr. Speaker, malinaw na malinaw po ang kaisahan ng dalawang komite [House Committees on Public Safety and Order at Peace, Reconciliation, and Unity] na nag-imbestiga noong isang linggo na ipagpapatuloy bukas at sa Miyerkules ang mga hearing.  Totoo na naging magulo ang kondukta ng hearing dito sa House.  Pero totoo rin na sa kabila nito ay maraming mga mahahalagang impormasyon at mabibigat na tanong na dapat maitanong na lumabas sa hearing na iyon, lalong lalo na sa papel ni Presidente Aquino mismo sa pangyayari sa Mamasapano.

Isang nakabitin na tanong, Mr. Speaker, ay ang usapin ng pag-uusap ni General Purisima at ni Pangulong Aquino sa meeting nila sa Bahay Pangarap [noong January 9, 2015].  Pinatatanong ng komite kay General Purisima: Ano ba ang pinag-usapan ninyo ni Pangulong Aquino?  At kung matatandaan po ninyo, Mr. Speaker, binigyan ng komite si General Purisima ng hanggang bukas para ilinaw kay Pangulong Aquino kung mailalahad ba niya ang napag-usapan nila o magtatago sa executive privilege si Pangulong Aquino.

Mahahalagang tanong po iyan, Mr. Speaker, ngunit dahil kinansela ang hearing, hindi natin maririnig ang sagot.  Kaya ngayon, ang mga nakabiting tanong ay itatanong ko na nang diretso kay Pangulong Aquino–Pangulong Aquino, sasagutin mo ba ang mga tanong na ito, ilalahad mo ba ang buong impormasyon kaugnay sa iyong kapananagutan sa Mamasapano?  Ano ang mga pinag-usapan niyo ni General Purisima sa Bahay Pangarap?  Sasagutin mo ba ito, o magtatago ka sa executive privilege?

Hindi lang ito, hindi lang ang pagkakaturol sa papel at responsibilidad ni President Aquino ang nabitin ngayong natigil na ang nasabing House investigation.  Ngayon, nasa balita na, sa headline ng Philippine Daily Inquirer ang papel ng US dito sa operasyon sa Mamasapano.  “US behind Oplan Exodus”–Iyan po ang malinaw na report ng Philippine Daily Inquirer ngayon at ayon sa isang source na opisyal mismo ng SAF.  Ang opisyal na ito mismo ang nagkumpirma sa napakalalim na involvement ng US mismo sa operasyon sa Mamasapano, sa pagbigay ng intelligence information, sa paglabas ng pondo para mabili ang intelligence information, sa pag-command mismo ng operasyon.  Binanggit ang pangalan ng Amerikano, a certain Allan Konz, na nasa tactical command post daw sa Shariff Aguak at nagbibigay ng instructions sa mga tropa ng Special Action Force sa mga sandaling iyon.

Mr. Speaker, obligasyon ng Kongresong ito na alamin ang katotohan ng mga ulat na ito, Mr. Speaker.  Ngunit dahil sa desisyon ng pamunuan ng House, natigil ang imbestigasyon.  Tila binubusalan ang Kongresong ito.  Hindi po tayo makakapayag, dahil ang tanging nakikinabang dito ay ang Pangulong Aquino.

Malinaw po ang sinasabi ng Konstitusyon, na isang independent and co-equal branch ang Kongresong ito, ngunit bakit tila pumapayag ang institusyong ito na mabusalan ang pagsisikap natin na ilantad ang katotohanan hinggil sa partisipasyon ng US at panghihimasok sa mga internal na usapin, law enforcement operations sa ating bayan.  Bakit hinahadlangan na matunton ng Kongresong ito ang buong partisipasyon at responsibilidad ni Pangulong Aquino sa isang operasyon na nagdulot sa pagkamatay ng napakaraming Pilipino sa ngalan ng US war on terror?  Kaya kaisa po ako kay Representative Colmenares sa panawagan para ituloy ang imbestigasyon.

Maaraming salamat po. ###

Comments are closed.