Home » Activities, Headline, News

Rep. Antonio Tinio interpellated the DOH 2017 budget in the plenary

5 October 2016 No Comment

TAGUMPAY! Bunga ng petisyon ng Makabayan Bloc na pinirmahan ng 100 mambabatas, naibalik sa 70 pampublikong ospital ang halos P1.5B na pondong tinapyas mula sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).
Ipagpatuloy ang laban para sa libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat!


REP TINIO:
“Binanggit din natin ang issue na ito sa unang araw ng debate kaugnay sa health agenda sa budget ng Department of Health ng kasalukuyang administrasyon at kung paano ito nasasalamin o hindi nasasalamin sa isinumiteng budget ng Malacanan. Matagal na pong adbokasiya ng Kinatawang ito at ng Makabayan Bloc ang karapatan sa kalusugan ng mamamayang Pilipino lalo na ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga mahihirap. Si Pangulong Duterte mismo, sa ilang mga pahayag niya at sa kanyang health agenda ay nagpahayag din ng ganon. Nais niya ng libreng serbisyo sa mga government hospitals para sa mga maralitang pasyente subalit nabahala po kami na sa pagsusuri namin sa budget ng health sector at ng DOH, at tinignan natin particularly yung operating budget–yung MOOE ng mga national government hospital na nasa ilalim ng DOH. All in all, 70 po na ospital. Kasama po rito yung mga regional hospitals, yung mga specialty hospitals. Isinama din namin although technically hindi kasama sa budget ng DOH yung budget ng mga GOCC hospitals. Nabahala po tayo na 68 out of 70 hospitals po ang may malaking cut sa MOOE, sa kanilang operating budget- yung budget sa mismong araw-araw na pagpapatakbo ng mga ospital. All in all sa aming pagsusuri, umaabot sa around P1.5B ang magiging kaltas sa budget sa MOOE ng mga national public hospitals.
“Natural pong tayo’y nabahala. Gusto natin ng libreng serbisyong pangkalusugan ng mga government hospitals lalo na para sa maralita. Hindi pwedeng bawasan. Kailangan pa ngang dagdagan ang mga operating budget ng mga ospital natin. Dahil dito, pinangunahan po natin sa Makabayan Bloc ang isang kampanya sa hanay ng mga kasamahan natin (sa kamara), especially ang ang district representatives. Kasi yung mga national government hospital sa kanilang mga distrito ay matatamaan ng budget cut at alam ko na mararamdaman ng mga representatives natin ang epekto nito sa mga consituents nila. Mayroon po tayong pinaikot na petisyon para tutulan ang hospital budget cuts na ito at sa minimum ay ibalik ng kongresong ito sa MOOE yung halaga na tinanggal- sa minimum. At dapat pa nganga dagdagan. Sa ngayon ay mayroon nang isang daang mga kasamahan natin tayo rito na pumirma sa petisyon na yan. Isa lang ang tanong: Handa po ba ng sponsor na itigil po ang cuts ito at ibalik sa mga national government hospitals ang halagang binawas sa proposed budget. Pwede po bang ibalik ito?”
“Let us make it clear, is there a rock solid, firm and unbreakble commitment from the sponsor that the amount that has been cut from the MOOE of national government hospitals will be restored by this Congress, Mr. Speaker?”
Rep. Lanete: “YES.”
Rep. Tinio: “Malinaw na malinaw po sa tatlong lenggwahe na ibabalik ng Kongresong ito ang binawas na halaga ng MOOE. Nagpapasalamat tayo sa Committee on Appropriations, sa sponsor, sa Chair, sa House Leadership dahil panawagan ng mamamayan lalo ng maralita na kailangan dagdagan at hindi bawasan ang budget sa health sector lalo na sa ating public hoispitals. Malaki pa po ang laban. Sabi nga po pangarap ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng mga Pilipino para sa lahat. Malayo pa po tayo roon pero ngayon ay mayroon tayong isang tagumpay sa pamamagitan ng pagkilos ng Kongresong ito. Maraming salamat po Mr. Speaker, Mr. Sponsor. Magandang gabi!”

Comments are closed.