Home » Features, Headline

Rep. Castro nakiisa sa WTD 2016

5 October 2016 No Comment

p1500712Rep. France Castro: “Lagi’t laging magsisilbing pinakamagandang regalo sa mga guro ang isang mataas at nakabubuhay na sahod.”

Nakikiisa si Rep. France Castro ngayong araw sa lahat ng mga guro bilang pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Daan-daang guro ang nagtipun-tipon sa V. Mapa High School papuntang Malacañan, Mendiola upang ipanawagan ang pagtataas ng sahod ng mga guro bilang paalala kay Pangulong Duterte na isa ito sa mga ipinangako niya noong kampanyang elektoral.

Matatandaang naisabatas ang pagdiriwang tuwing ika-5 ng Oktubre taun-taon bilang National Teacher’s Day sa bisa ng RA 10743 ng kapwa kongresista sa ACT Teachers Party-list na si Rep. Antonio Tinio.

Itaas ang sahod ng mga guro! Pagpupugay sa lahat ng mga guro ng bayan!

Comments are closed.