Home » Features, Headline, In The News, News

Representatives from the Makabayan bloc held a presscon on the proposed Income Tax Reform Package of the Department of Finance

29 September 2016 No Comment

photo_2016-09-29_21-30-40Rep. Castro: “Sa bahagi ng ACT Teachers Party-List, tingin namin na ang panukala ng DOF na tax reform ay anti-teacher, anti-people. Tatanggalan nito ng VAT exemption unang-una ay ang mga senior citizen at mga PWD kaya mariin naming tinututulan ang panukalang ito. Isa pa, tama si Speaker na walang binanggit na solusyon sa inefficiency sa tax collection.”

Rep. Zarate: “Tayo sa Bayan Muna, author ng HB333, ay mariing tumututol sa panukala ng DOF. Napaka-arbitrary ng pagdedesisyon na kumikita ng bababa sa P250,000 lamang ang exempted sa pagbubuwis. Saan nagmumula ang posisyong ito? Samantalang ang cost of living ng isang pamilya (sa loob ng isang taon) ay mahigit P300,000 na. Bilang karagdagan pa, sa pakete ng DOF, binabaan nga nila ang income tax pero nag-impose naman ng excise tax. Matagal nang pinag-uusapan ang added tax sa sigarilyo, inumin pero huwag sa diesel at gasolina dahil domino effect ang mangyayari ‘pag nadagdagan ang diesel ng P6. Cascade effect yan sa mamamayan.

photo_2016-09-29_21-30-51Sa ibang usapin, binabaan ang corporate income tax. Kung sino ang mas nakikinabang sa ating ekonomiya at natural resources, siya ang dapat patawan ng mataas na tax. Ang ginawa ng DOF ay may binagay sa kanang kamay ngunit may binawi naman sa kaliwang kamay. Malaki pa ang mawawala sa mga mamamayan kaya’t sa committee level pa lang, lalabanan na natin ito para sa kabutihan ng mamamayan.”

Rep. Casilao: “Glaringly and very blatantly anti-poor, against the interest of the farmers and urban poor sector. This P250,000 tax exemption will not benefit 55% of the population in the rural areas which includes the 12M underemployed and unemployed. Ang mga hindi regular na trabahador, mga jeepney drivers/PUV drivers ang directly affected.

“Hindi ito yung tinatawag nating efficiency. The government should run after the big tax evaders. Currently, they are getting away from paying, escaping from enforcement of tax laws. Hindi ito ang gusto ni President Duterte. This will never benefit the poor. This will not only result to unpopularity of the administration but also impact on the very lives of the people.”

Rep. Tinio: “Masyadong mababa ang minimum na exempted sa tax na P250,000. Ang proposal namin ay ma-exempt ang mga sumasahod ng hindi hihigit sa P396,000 per year. Cost of living ang batayang ginamit natin para rito. Isa pa, ang income tax rate na gustong ipataw ng DOF ay mas mataas. Next tier to the 0% tax sa kumikita ng P250,000 and below will be 20% na agad na income tax rate. Then 35% na maximum. Wala nang 10%, 15%. Sinong tatamaan dito? Ang lower and middle-income level earners pa rin. Masyadong mabigat pa rin ang magiging income tax sa ordinaryong empleyado at propesyonal including some of you (reporters) here.

“Mabigat ang magiging burden nitong mga proposed new revenue generating measures na pambawi raw sa projected revenue losses. Tutol tayo sa pagpataw ng excise tax on oil and petroleum products. I have a feeling kahit wala pa tayong datos na hawak dito. Makikita natin na yung posibleng kitain ng DOF sa measure na ito ay mahihigitan pa ang revenue loss due to the reduction of income taxes. Ginagamit talaga ang panawagan na pababain ang income taxes na pagkakataon para magpataw ng additional tax burdens sa taumbayan. Pangunahing pinakatatamaan ng excise tax ay ang mga mahihirap.”

Rep. Zarate: “Ang pakete ng tax measures na ito ay nangagaling sa dikta ng IMF-WB. Di na tayo magtataka dahil si DOF USec. Chua ay dating senior country representative ng World Bank. Panahon na upang tigilan natin ang pagsunod-sunuran sa dikta ng international financial institutions tulad ng World Bank na hindi para sa kagalingan ng mamamayan.”

Rep. De Jesus: “Kung nagbitaw si Speaker, magandang i-challenge ang paninindigang ito–kung papabor ba siya sa DOF o makikinig ba siya sa komento o batayan na hindi ito ipasa. Mas magbibigay pabor sa may maliit na sahod, maliit na sweldo. Lalo na pagdating sa increase ng oil tax. Maihahalintulad ito sa kadena ng tanikala na kapag hinigit mo ang isa sa mga chain ng tanikala, matatamaan ang lahat, kumbaga tatamaan talaga nito ang mayorya ng populasyon.”

Rep. Tinio: “Hindi katanggap-tanggap ang proposal ng DOF. Ang pagbaba ng income tax ay hindi makasasapat sa mga nakabababa at panggitnang empleyado. Tutol din tayo sa bagong taxes lalo sa langis. Ilalaban natin na bawiin ang revenue loss sa pamamagitan ng mas maayos na koleksyon ng buwis.”

 

 

Link of the video Makabayan Bloc presscon on Income Tax Reform Package

Comments are closed.