Home » News

Tinio: Dapat tumindig ang CSC laban sa SPMS!

13 August 2015 No Comment

11

Sa naganap na budget hearing kahapon, August 12, 2015, sa usapin ng proposed budget sa Civil Service Comission para sa 2016, inirehistro ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio ang pagtutol sa Strategic Performance Management System (o SPMS) na magsusukat daw ng productivity ng bawat kawani (RPMS ang bersyon nito sa DepEd). Sa halip na bumuo ng magandang ugnayan sa loob ng opisina, iginiit ni Tinio na mismong ang SPMS pa ang sisira nito dahil nakapokus ang mga kawani sa pagkakaroon ng magandang rating para sa mas mataas na insentibo sa halip na kolektibong aksyon sa paggawa. Mga regular lang ding kawani ang maaaring i-rate at hindi kabahagi ang mga job orders at contracts of service na mga kawani. Iginiit rin ni Tinio na ang SPMS ay isang paraan ng pagtitipid ng gobyerno upang mabuwag ang mga opisina na may “poor performance” at kasabay ng malawakang kontraktwalisasyon.

Comments are closed.