Home » In The News

Unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Aquino, binigyan ng bagsak na grado ng isang teachers’ group

3 July 2011 No Comment

Binigyan ng bagsak  na marka ng grupo ng mga guro si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa unang taon ng panunungkulan nito.

Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative Antonio Tinio na kung ikukumpara sa isang college student, siguradong makakakuha ng singko ang Pangulo sa ipinakita nitong trabaho, isang taon matapos itong mailuklok sa Malakanyang.

Pinatunayan aniya sa Pulse Asia survey na hindi natugunan ni Pangulong Aquino ang problema sa kahirapan at patuloy na pagtaas ng pangunahing bilihin lalo na ang problema sa sektor ng edukasyon.

Mas lumubha pa aniya ang problema sa edukasyon dahil sa bukod sa mga kapos pa ring mga silid-aralan, libro at mga guro, pinairal sa administrasyong Aquino ang contractualization sa may 40,000 guro sa ilalim ng volunteer kindergarten program. Report from Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31

(Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/15695/Unang-taon-ng-panunungkulan-ni-Pangulong-Aquino-binigyan-ng-bagsak-na-grado-ng-isang-teachers-group.aspx)

Comments are closed.